ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' finds affordable adventures in Quirino



Biyahe ni Drew: Quirino Province
Biyernes, February 7
10pm, GMA News TV

“Where adventure begins.”  ‘Yan daw ang mga katagang naglalarawan sa Quirino Province na tinaguriang Forest Heartland of Cagayan Valley.  At ‘yan  ang susunod na destinasyon ni Drew Arellano ngayong Biyernes sa Biyahe ni Drew!
 
Ipinangalan ang Quirino sa ika-anim na pangulo ng Pilipinas, si Elpidio Quirino.   412 kilometers ang layo ng probinsiya mula sa Maynila kaya aabutin ka ng 7 to 8 hours na land travel papunta rito. Hindi ka naman magsisisi dahil sa biyahe pa lang, mabubusog na ang mga mata mo sa ganda ng mountain ranges na nakapaligid dito.

Pag dating na pagdating, sasalubungin agad si Drew ng cultural show na pinagbibidahan ng mga katutubong sayaw ng mga Ifugao. Kinabukasan, isang umaatikabong river tour ang susuungin ni Drew sa Cagayan River, ang pinakamalaking ilog sa buong Pilipinas. Pero sa Governor’s Rapids daw masusubok ang husay mo sa pagsagwan! Bibisitahin din niya ang Dinatay Falls na pinakamagandang talon sa probinsiya.

Sunod sa Adventure Itinerary ng ating biyahero, ang trekking at spelunking sa Nagbukel Caves na isa sa pinakasikat na tourist destinations sa Quirino.  Take note lang, mahalagang kumuha ng guide lalo na kung hindi naman kayo madalas mag-spelunking! Sa Aglipay naman, medyo mas nakakapagod ang spelunking dahil walo ang kuweba rito.  At tandaan, dapat ihanda ang tapang, lakas at flexibility n’yo!

As for accommodations, iilan lang ang hotels at inns sa Quirino kay rekomendado ni Drew ang homestay o pagtira sa mga pribadong tahanan. Kung tutuusin, mas makakamura ka sa homestay dahil meron kang mahahanap na kwartong pangdalawahan na  pwedeng upahan ng 600 pesos a night. ‘Yun nga  lang, communal ang banyo at kasama mo ang buong host family sa bahay.
 
Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.