ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Taiwan-derful ngayong Biyernes sa 'Biyahe ni Drew'



Biyahe ni Drew: Taiwan Part 2

Biyernes, June 27, 2014
8 pm sa GMA News TV

Tuloy-tuloy ang Biyahe ni Drew sa Biyernes sa Part 2 ng kaniyang pagbisita sa pinamalapit nating kapitbahay sa norte, ang Taiwan!

Sabak agad sa biyahe ang ating bida sa Jinguashi na tinaguriang Ghost Town ng Taipei City.  Nakatago sa pagitan ng bundok at dagat, sumikat ang lugar bilang dating minahan ng ginto. Sa Gold Museum, makikita ni Drew ang ilang kagamitan sa pagmimina, pati na ang mga diorama na nagpapakita ng buhay-minero noon.  Pero ang pinakasikat na exhibit ay ang solid gold bar na 220 kilos daw ang bigat at aabot sa 10 million dollars ang halaga!

Samantala, kakaibang trip naman ang mararanasan ni Drew sa Flying Cow Ranch, isang ‘living and breathing’ theme park kung saan pwedeng makipag-bonding ang mga bisita sa farm animals. Tampok din dito ang restaurant na naghahain ng Milk Hotpot na ang ingredients ay halu-halong gulay at karne na pinakuluan sa gatas ng baka.

Pupuntahan din ni Drew ang ginintuang Fulong Gold Beach.  Nagtataglay daw ito ng pinakamagandang quartz sand  na perfect for sand sculpture! Kaya naman mula noong 2008, dito na ginagawa ang Fulong International Sand Sculpture Festival.

At bago pa matapos ang biyahe, papasyalan ni Drew ang Jiufen o Nine Portions, isang masikip na eskinita na puno ng kainan at kung anu-anong tindahan. Dito niya matitikman ang stinky tofu na kahit na umaalingasaw ang amoy ay panalo pa rin sa mga turista.
 Sama na sa Biyahe ni Drew sa Taiwan (part 2), sa Biyernes, 8 PM sa GMA News TV.