ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Nami Island and Everland, South Korea sa 'Biyahe ni Drew'


Due to insistent public demand, we are replaying "Biyahe ni Drew: Korea Part 2." This was originally aired last July 18, but due to the brownouts caused by Typhoon Glenda, many viewers were unable to watch it.
Biyahe ni Drew: Korea (Part 2)
Biyernes, August 1, 2014
8 pm sa GMA News TV
 
Sa pagpapatuloy ng South Korea adventure ni Drew Arellano,  kakaibang mukha ng South Korea ang makikilala niya ngayong Biyernes sa Biyahe ni Drew.

First things first:  Korean good eats!  Nangunguna sa listahan ni Drew ang makulay na Bibimbap, ang Korean version ng rice bowl.   Nariyan din ang traditional Samgyetang soup na mala-Tinola ang lasa.  For the non-traditional naman, pwede ring subukan ang cold soup, lalo na raw sa panahon ng taglamig.  Pero ang isa sa pinakapanalo raw ay ang authentic Korean Beef Barbeque lunch.

Sa Kwangdong Oriental Hospital, makakahanap ng iba’t ibang medical treatment at therapy para sa samu’t saring sakit sa katawan.  Pero si Drew, sasadyain ang isang Korean chiropractor para sa kaniyang spine adjustment.  Papasyalan din niya ang Myeongdong Shopping District kung saan pwedeng mamili ng souvenir items na pampasalubong.

For a bit of adventure, dadalawin ng Biyahe Team ang Geonggido na dalawang oras ang layo mula sa Seoul. Dito makikita ang Hwaseong Fortress na isang UNESCO World Heritage Site. Dito rin matatagpuan ang palasyong ginamit sa Koreanovelang Jewel in the Palace! Pero sa mala-Disneyland na Everland masusubok ni Drew ang kaniyang tapang at tibay ng sikmura sa pinakamataas na roller coaster sa buong South Korea.  At para mapababa ang excitement, papasyalan ni Drew ang picture perfect na Nami Island. 

Sama na sa Biyahe ni Drew sa South Korea, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.