ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
A weekend in El Nido on a budget
Biyahe ni Drew: EL NIDO
Biyernes, 5 September 2014
8 pm sa GMA News TV

Sa Biyernes, isa sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas ang destinasyon ni Drew Arellano sa Biyahe ni Drew… ang El Nido sa Palawan!

Iisipin mong ang mga sosyal at mayayaman lang ang kayang makarating sa El Nido. Pero ang hindi alam ng marami, puwedeng-puwede kang magkaroon ng isang engrandeng bakasyon dito for as low as 5,000 pesos. Sa unang tingin, karamihan sa mga sikat na resort dito ay nasa 5,000 to 6,000 pesos a night ang room rate. May iba nga na umaabot pa sa 20,000 pesos kaya royal treatment din ang makukuha mo. Samahan pa ng pagpunta sa mga private islands, talaga namang pang-mayaman ang dating!

Pero para sa mga budget-conscious Biyaheros, may mga pasok na packages for 5,000 pesos or lower. Siyempre hindi pa kasama ang plane fare diyan. Pero, pasok na ang hotel transfers, lunch at accommodations.

Pag dating sa lakwatsahan, unang susubukan ni Drew ang Island Tour package A na 1,200 pesos lang ang bayad kada tao. Kasama na rito ang pagpunta sa Small and Big Lagoon kung saan puwede kang mag-kayaking at snorkeling. Pupuntahan din ni Drew ang Secret Lagoon na nakatago sa mga rock formation, at ang Paglugaban Island.

Samantala, sa Island Tour package B naman, pupuntahan ng ating biyahero ang Snake Island, mga isla ng Lagen, Malapacao, at Pinagbuyutan, at ang Cadugnon Cave. At para sa package C, nariyan ang mga isla ng Pacanayas, Matinloc, Inambuyod at ang sikat na Helicopter Island! May kalayuan ang mga isla at inaabot ng 30-45 minutes ang biyahe sa kada isa. Kaya payo ni Drew, piliing mabuti ang package tour na ayon sa kaya lang ng katawan at oras ninyo.

Matapos ang island-hopping, didiretso si Drew sa Art Café, isang maliit na coffee shop na naghahain ng mga putaheng ginagamitan ng homegrown ingredients. Dito, titikman ni Drew ang kanilang specialty na Tikka Masala. Pero ang pinaka-challenging na kainin, ang sizzling sisig crocodile meat na sikat sa El Nido.
Para kay Drew, ang El Nido ay hindi lang para sa mga may-kaya pero para sa lahat.

“Ito yung pupuntahan ko, kung gusto ko mag-isa, gusto ko mag chill lang… dalhin ko asawa ko… It has a different vibe e. Yun nga lang, at first if you want that kind of vibe yung solemn tahimik magbabayad ka ng malaking halaga. But with this trip parang na-realize ko na meron palang mid-range at tour packages na hindi mahal. Next time I’ll be with my misis.”
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.

More Videos
Most Popular