ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' visits Southern Negros this February 6




Biyernes sa Biyahe ni Drew, isang matamis na pamamasyal ang gagawin ni Drew Arellano sa kinikilalang Sugar Bowl of the Philippines, ang Southern Negros.
 


Sinasabing halos kalahati ng asukal sa buong bansa ay nanggagaling sa Negros. Limampu’t apat na porsiyento kasi ng mga lupain dito ay taniman ng tubo kaya naging malaking bahagi na ito ng buhay at kultura ng mga Negrense.


 
Unang destinasyon ni Drew ang Kabankalan City.  Mula Silay Airport, dalawang oras din ang biyahe papunta rito sakay ng van. On the way, may mga stopover na di dapat palampasin.  Tulad ng Aboy’s na sikat na kainan sa Bacolod. Nagsimula bilang isang karinderya, ngayon ay nasa listahan na ito ng Places to Visit  dahil sa signature dishes nito tulad ng inadobong taba ng pusit at ang version nila ng pinangat.
 
Isa pang kakaibang stopover ang OISCA, isang sericulture farm sa Bago City.  Dito, makikita ni Drew ang proseso ng paggawa ng silk cloth na nagmumula sa mga silkworm cocoon.
 
Sa Kabankalan, bibisitahin ni Drew ang Reegals na tila institusyon na sa bayan. Kung dati’y maliit na tindahan ng cake lang ito, ngayon patok na patok na ang kanilang supermoist caramel cake.  Pero para sa mga mahilig sa native kakanin, dapat daw subukan ang kalamay-hati na gawa sa malagkit, gata, at siyempre, muscovado.


 
Kung sawa na kayo sa matatamis, dapat namang tikman ang Chicken Papisik na ipinagmamalaki ng Brgy. Tapi. Kakaiba ang pagluto nito dahil matapos timplahan ng toyo at kalamansi at palamanan ng batuan at tanglad, hinahayaan lang itong maluto sa singaw ng asin!  Kapansin-pansin din ang Chicken Ati-atihan, ang Negrense version ng chicken inasal.
 

 
At para matunaw ang lahat ng kinain, makikisayaw si Drew sa Sinulog de Kabankalan. Nagmula raw ang selebrasyon mula sa mga sacadang Aklanon na deboto ng Sto. Nino. At tulad ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan sa Aklan, meron din silang street dancing competition na sa ngayon ay nasa 39th year na!
 

 
Sama na sa Biyahe ni Drew,  Biyernes, 8PM sa GMA News TV.