ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew,' tutuklasin ang ganda ng Cagayan Valley ngayong Biyernes

Biyahe ni Drew: Cagayan Valley
Biyernes, May 22, 2015
8 pm sa GMA News TV
Summer is almost over but before we say goodbye, bisitahin muna natin ang sinasabing pinakamainit na lugar sa bansa—ang Cagayan Valley!

Pag tapak pa lang sa Cagayan, island-hopping agad! Maghanda ng 500 to 1,800 pesos para sa paglilibot sa mga isla. Kung marami kayo, mas maganda para patak-patak na lang. Ang nasa itinerary ni Drew, ang Crocodile Island na hugis buwaya nga mula sa malayo; ang Anguib Island kung saan napakalinaw ng tubig at pino ang buhangin, at Palaui Island na perfect for snorkelling dahil sa mayaman nitong marine life. Sa Cape Engano na ginawang setting ng international TV show na Survivor, makikilala ni Drew ang kooperatibang nangangalaga sa lugar. Dito, mahigpit nilang ipinatutupad ang garbage segregation scheme, maging ang pagtutok sa mga turista upang masigurong mapanatili ang kalinisan ng lugar.

When it comes to good eats, titikman ni Drew ang ipinagmamalaki ng Tuguegarao na chicha-carabao na kasing-lutong at kasing-sarap ng regular chicharon, pero ‘di hamak na mas kaunti ang taba kaya pwedeng eat-all-you-can. Must-eat din ang Pancit Batil Patong na dito lang makakain sa Cagayan. Siyempre, perfect na panghimagas ang buko roll na sulit na sulit for 5 pesos!

Bago bumalik ng Maynila, rekomendado ni Drew na mamangka muna ang mga bisita sa Pinacanauan River. For 600 pesos for a group of 6-8 persons, tiyak matutuwa ka sa malumanay na agos ng tubig at paglabas ng mga paniki mula sa mga kweba pag dating ng takipsilim.
Pakalmahin ang natitirang hot summer days ninyo sa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8PM sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular