ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew,' lilibutin ang Southern Iloilo ngayong Biyernes

Biyernes sa "Biyahe ni Drew," lilibutin ni Drew ang ilang bayan sa Philippines’ City of Love, ang Iloilo. Pero bukod sa siyudad, papasyalan din niya ang katimugang bahagi nito, lalo na ang Miagao at San Joaquin.

Unang bibisitahin ni Drew ang hagdan-hagdang palayan ng Miagao. Mala-Banawe Rice Terraces ang dating nito, pero kakaiba raw ang ganda ng 360-view sa tuktok. Hindi rin palalampasin ni Drew ang pagbisita sa ilang World Heritage Sites ng Iloilo, kabilang na ang simbahan ng San Joaquin na itinayo pa noong 1859, at ang Campo Santo na isang sementeryong ginawa naman noong 1892.

Pangingisda ang isa sa mga hanap-buhay ng mga taga-Southern Iloilo. At sa San Joaquin, hipon ang pangunahin nilang paninda. Susubukan ni Drew na manghuli ng hipon gamit ang kakaibang paraan ng mga taga-San Joaquin at dito, masusubok ang tiyaga at pasensiya ng ating bida. Lalanguyin din niya ang ilan sa labinlimang protected fish sanctuaries ng bayan.

Siyempre, hindi pwedeng bumalik ng Maynila nang walang pasalubong! Sa bayan ng San Joaquin, panalong pampasalubong ang bandi, isang local candy na gawa sa mani at muscovado sugar. Sa Miagao naman, ipinagmamalaki ang bayi-bayi na version nila ng espasol.
Sama na sa "Biyahe ni Drew," Biyernes, 8PM, sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular