'Biyahe ni Drew,' sasabak sa isang matinding adventure sa Masbate


Biyahe ni Drew: Masbate
Biyernes, November 20, 2015
8 pm sa GMA News TV
Sa Biyernes, mapapasabak si Drew Arellano sa kakaiba at kahindik-hindik na adventure sa biyahe niya sa tinaguriang Home of Rodeo, ang Masbate!


First things first: island-hopping! For 6,000 pesos, makaka-arkila ka na ng bangka na kasya ang 10-15 biyaheros. Unang isla na bibisitahin ni Drew ang Buntod, isang marine reef sanctuary na pambihira ang ganda. Kaya naman snorkel-all-you-want ang rekomendasyon ng ating bida.


Sunod na pinuntahan ni Drew ang Jintotolo Island kung saan makikita pa rin ang fully-operational light house na isa nang top tourist destination. Sa Batongan naman, caving ang aatupagin ni Drew. At mahirap man ang pag-akyat sa mga madulas na bato, isang majestic view sa tuktok ang magbubura ng kaniyang pagod.


When it comes to dining, seafood ang bida sa Masbate. Hindi magpapatalo ang mga restaurants sa probinsiya sa paghahanda ng mga malinamnam na putahe: abalone in oyster sauce, calamares, seafood kare-kare at baked clams to name a few!


Bago magtapos ang biyahe ni Drew sa Masbate, isang makapigil-hiningang adventure ang susuungin niya sa Snake Island kung saan matatagpuan ang katakot-takot na sea snakes. Mapauwi kaya nang maaga ang takot sa ahas na si Drew?
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.