Central Luzon road trip sa 'Biyahe ni Drew'
Biyahe ni Drew: Central Luzon Road Trip
Biyernes, 18 December 2015
8 pm sa GMA News TV
_2015_12_17_13_15_00_0.jpg)
Sa pagtatapos ng 2015, hindi kailangang gumastos ng malaki para sa huling biyahe ng taon. Kaya isang road trip ang inihanda ni Drew ngayong Biyernes. Ang kaniyang destinasyon: Central Luzon!
_2015_12_17_13_15_00_1.jpg)
Sa Subic, bibisitahin ni Drew ang Ocean Adventure, ang kauna-unahang open water marine park sa Southeast Asia! Eksakto ito sa mga pamilyang mahilig makipag-bonding sa mga hayop. Kikilalanin ni Drew ang mga bidang dolphin ng Ocean Adventure at aminado siya, magical creatures ang mga ito!
Pag dating sa pagkain, hindi magpapahuli ang Subic. Maraming mapagpipiliang international cuisine dito, pero ang lalantakan ni Drew, ang mga Korean classics na bulgogi, samgyeopsal, at ang best hangover dish na yukgaejang!
_2015_12_17_13_15_00_2.jpg)
Sa Tarlac, bibisitahin ni Drew ang mga naglalakihang belen na kasali sa Belenismo, isang taunang kompetisyon sa paggawa ng mga gahiganteng Belen sa probinsiya. Espesyal daw ang nanalo ngayong taon dahil ang mga pwersa ng airforce, navy at army ang gumawa. Susubukan din niyang magmaneho ng Go Kart, isa sa mga activities na pwedeng gawin sa Tarclac.
At dahil nasa Tarlac na rin lang, didiretso si Drew sa Capas na jump-off point papuntang Mt. Pinatubo! Kailangang bumiyahe ng isang oras mula sa Capas at maglakad ng dalawang oras pa bago makarating sa crater pero para kay Drew, sulit ang lahat ng pagod dahil walang makakatumbas sa karanasang ito!
Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.