ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

#BND3rdAnniv: Drew Arellano, dadayuhin ang mga pilgrimage site sa Israel


 

Biyahe ni Drew: Israel
Biyernes, April 8, 2016
8 pm, GMA News TV
 
 
 
Ngayong Biyernes, samahan si Drew Arellano sa kaniyang epic adventure sa Israel sa pagpapatuloy ng 3rd Anniversary celebration ng Biyahe ni Drew.
 
 
 
Bagamat napapalibutan ng disyerto, pinagpala raw ang Israel dahil sa mataba nitong lupa. Tinagurian itong Fruit and Vegetable Basket ng rehiyon dahil ito ang pinagkukunan ng fresh produce ng mga karatig na bansa. Siyempre matitikman ni Drew ang fresh produce na ito, kasabay ng pamosong Israeli cuisine.  Hindi mawawala riyan ang hummus, pita bread at sari-saring dip o sawsawan.

Mayaman din ang Israel sa pilgrimage sites! Dinarayo ang mga ito ng iba’t ibang peregrino na nagmumula sa tatlong relihiyon: ang Kristiyanismo, Judaismo at Islam.
 
 
 
Sa Mount of Olives, makikita ni Drew ang isa sa pinakamagandang view ng Jerusalem. Mula rito, tanaw na tanaw ang Dome of the Rock, isa sa pinakamahalagang lugar para sa tatlong relihiyon. Sa loob ng Old City ng Jerusalem, pupuntahan ni Drew ang Western Wall o mas kilala sa tawag na Wailing Wall na itinuturing na pinakabanal na lugar para sa mga Hudyo.

Sa Mt. Zion, sisilipin niya ang lugar kung saan ginanap ang Last Supper o kilala rin bilang kauna-unahang Holy Communion para sa sa mga Kristiyano. Mahalaga rin ang Mt. Zion para sa mga Hudyo, dahil sa ilalim nito matatagpuan ang pinaniniwalaang libingan ng isa sa pinakaimportanteng namuno sa Israel – si Haring David.
 
 
 
Pupuntahan din ni Drew ang Church of All Nations na nakatayo sa Garden of Getsemany, ang lugar kung saan nagdasal si Hesus bago siya hinuli  ng mga sundalong Romano.  Para makumpleto ang pagsunod ni Drew sa mga yapak ni Hesus, pupuntahan niya ang Golgota o Calvary kung saan ipinako at namatay si Hesus.
Panuorin ang Part 2 ng 3rdAnniversary Special ng Biyahe ni Drew sa Israel, Biyernes, 8PM, sa GMA News TV.