ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew,' ipapakita ang modern side ng Jordan


Biyahe ni Drew: Jordan
Biyernes, 22 April 2016
8 PM on GMA News TV

Tuloy pa rin ang Middle Eastern adventure ni Drew Arellano. Sa Biyernes, ang modern side naman ng Jordan ang ipakikita niya sa Biyahe ni Drew!

Isa ang Jordan sa iilang bansa na hanggang ngayon ay pinamumunuan pa rin ng monarkiya. At hindi tulad ng ibang bansa sa Middle East, imbes na langis, pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ang pangunahing kabuhayan nila sa Jordan.

Sa Wadi Rum, mamamangha si Drew sa kakaibang ganda ng mga kabundukan at disyerto. Dahil sa “other worldly beauty” ng lugar na ito, napili itong maging location ng ilang de-kalibreng Hollywood films tulad na lang ng The Martian.

Sa Madaba, bibisitahin ni Drew ang isang Christian Green Orthodox Church na itinayo noong 6th century pa lang. Dito matatagpuan ang isang mosaic representation ng Jerusalem na sinasabing pinakamatanda sa buong mundo.

 
Sa gitna ng Amman na sento ng Jordan, makikita naman ang isang Roman Ampitheatre.  Itinayo noong 2nd century, kasyang-kasya raw ang anim na libong tao rito!
 

Samantala sa Jordan Museum, makikita kung paano hinubog ng kasaysayan ang bansa—mula sa mga landmark gaya ng Babylon Tower hanggang sa replica ng  Mesha Stele na mula pa raw sa 19th B.C. o sinasabing Iron Age.

At para makumpleto ang Jordanian trip, isang Middle Eastern Feast ang lalantakan ni Drew—mula sa tradional appetizers and entrees tulad ng kebab at mashawis, at hanggang sa pamosong alcoholic beverage na kung tawagin ay Arak.

To wrap up his trip, makaka-bonding ng ating biyahero ang ilan nating kababayan na naninirahan sa Jordan.

Moderno man, nakaugat pa rin ang Jordan sa mayaman nitong kasaysayan. Kaya sama na sa pagpapatuloy ng 3rdAnniversary Series ng Biyahe ni Drewsa Jordan, Biyernes, 8PM, sa GMA News TV.