ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Responsableng paglalakbay, isasabuhay ng 'Biyahe ni Drew' sa Oslob


Biyahe ni Drew: Oslob, Cebu

Biyernes, June 3, 2016

8 PM sa GMA News TV

Tuloy-tuloy ang summer adventure natin around the Philippines. Sa Biyernes, samahan si Drew Arellano sa kaniyang wild sea adventure sa isa sa pinakasikat na destinasyon sa Cebu, ang Oslob!

 

Nature-tripping at its finest ang maaasahan sa Oslob. Puno ito ng natural wonders, tulad na lang ng Tumalog Falls na tamang-tama para sa mga pamilyang gustong lumublob sa malamig na tubig. Sa Samboan naman, kakailanganin mong tumagilid at mag-ala-Spiderman sa pag-akyat ng Aguinid Falls, isang multi-tiered falls na kakaiba ang ganda.

 

Pero kung ang hilig n’yo ay ang deep blue sea, ang Isla ng Sumilon ang dapat mong puntahan. Dahil ito ang kauna-unahang marine protected area sa Pilipinas, mayamang-mayaman ang karagatan nito!

 

Kung historical monuments ang hanap, hindi niyan mawawalan ang Oslob. Bibisitahin ni Drew ang century-old church na nagsilbi ring watch tower noong panahon ng Kastila. Ang mga matitibay na pader ng Cuartel naman ay nagsilbing unang linya ng depensa laban sa mga nagtangkang sumalakay sa bayan.

 

Samantala, kung gusto n’yong makatikim ng local eats, unahin nang kumain ng Pudrida, isang uri ng biskwit na ginagawa gamit ang isang lumang recipe. At kung kagaya kayo ni Drew na mahilig sa matamis, subukan ang  bao-bao, isang local delicacy na specialty ng Oslob.

Tatalakayin din sa episode na ito ang tungkol sa gentle giants ng Oslob—ang mga butanding o whalesharks. May mga masakit na katotohanan ding haharapin ang ating biyahero tungkol sa pagdami ng turista sa Oslob.  Anu-ano kaya ang epekto nito sa mga higante ng karagatan?

Alamin sa Biyahe ni Drew  sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.