ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kainan at pasalubong overload mula sa Leyte, ngayong Biyernes sa 'Biyahe ni Drew'


Biyahe ni Drew: Northern Leyte (Kamay ng Pagbangon)

Biyernes, 24 June 2016

8 pm sa GMA News TV

 

Paminsan-minsan kailangan nating makarinig ng mga kwentong nagbibigay-inspirasyon. ‘Yan ang ihahatid ni Drew Arellano sa kaniyang pagbabalik sa Leyte ngayong Biyernes sa Biyahe ni Drew.

 

Tamang-tama ang bisita ni Drew dahil piyesta sa bayan ng Barugo. Bilang pasasalamat, may float parade na nilalahukan ng iba’t ibang sektor kabilang na ang senior citizens na ngayong taon ay mala-superheroes ang dating.

 

Makikilala din niya ang local hero na si Ariel Quintana, ang champion swimmer ng National Paralympics Competition. Tubong Barugo si Ariel at inspirasyon sa marami dahil sa kaniyang matinding pagpupursiging manalo.

Siyempre, hindi palalampasin ng Team BND ang good eats sa Barugo. Una sa menu ang Hinatukang Manok na version nila ng ginataang manok. Ang kaibahan lang, hinahalo ang dugo ng manok sa sabaw kaya mas malapot at mas malasa ito! Nariyan din ang sasing na kinakain nang hilaw complete with sawsawan na gawa sa pinaghalong dugo ng sasing at pinigaan ng kalamansi.

For merienda, ipinagmamalaki ng mga taga-Barugo ang kanilang mga produkto tulad ng roscas, isang uri ng tinapay na tila mas masarap kapag isinawsaw sa kape. Nariyan din ang dekanyas at torta.

Sa kalapit na bayan ng Barugo sa Carigara, bibisitahin ni Drew ang mga panday na gumagawa ng iba’t ibang klase ng patalim: mula itak at bolo, hanggang kutsilyo o sundang.

Hindi rin magpapahuli ang Leyte sa adventure sports. Katunayan, unti-unting nakikilala ang bayan ng Tanauan na Skim Boarding Capital of the Philippines. Bagamat panandaliang nawala dahil sa bagyong Yolanda, nanumbalik ang sport na ito at nagkaroon pa ng international competition.

Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.