ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Makasaysayang probinsiya ng Abra, tampok sa 'Biyahe ni Drew'


Sa Biyernes, ang destinasyon ni Drew Arellano ay ang dating tinaguriang El Abra de Vigan o “opening of Vigan” na ngayon ay mas kilala bilang Abra!

Isang landlocked province ang Abra nanapapaligiran ng kabundukan. Hindi gaanong binibisita ang probinsiya dahil walong oras ang biyahe papunta rito. Pero naniniwala si Drew na kapag nakita na ng mga tao ang kagandahan nito, hindi na nila panghihinayangan ang mahabang biyahe.

Maraming komunidad sa Abra na pinaghihiwalay ng ilog. Kaya sanay ang mga tagarito na gumamit ng balsa sa pagtawid. Pero ang must-visit daw dito ay ang Sabnangan Hanging Footbridge na may habang 580  meters! Nakakalula man, IG-worthy moment naman ang pagtawid dito.

Titikman ni Drew ang local version ng lechon. Kakaiba ito dahil bukod sa tanglad at iba pang pampalasa, nilalagyan din nila ng karimbuwaya o isang uri ng cactus  na siyang nagpapaasim sa lechon. Siyempre kasama rin sa food trip ang mga classic Abra dishes tulad ng sinuglaw, sinanglaw, at imbaliktad.

Sa Abra ipinanganak ang isa sa pinakamahalagang tao sa kasaysayan ng bansa, ang sinasabing Joan of Arc daw ng Pilipinas na si Gabriela Silang. Kaya bilang pagpupugay, bibisitahin ni Drew ang bahay niya at mas kikilalanin pa sa mga kwento ng kaniyang apo sa talampakan!

At para mas mapalalim pa ang pang-unawa niya sa kultura ng mga taga-Abra, makikipag-bonding si Drew sa mga katutubong Tingian, ang mga lumad  na siyang unang nanirahan sa Abra.

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.