Filtered By: Newstv
NewsTV

Treasures of Ilocos Norte, bida sa 'Biyahe ni Drew!'


Biyahe ni Drew: Treasures of Ilocos 2017
Biyernes, 16 June 2017
8 pm sa GMA News TV

It’s a treasure-hunting Friday sa Ilocos Norte sa Biyahe ni Drew!

Maraming kayamanan ang Ilocos Norte.  Siyempre nangunguna riyan ang mga simbahang nabibilang sa listahan ng UNESCO World Heritage Sites.  Nariyan din ang Cape Bojeador na idineklarang National Cultural Treasure noong 2005; pati na ang Sinking Bell Tower ng Laoag na tila version natin ng Leaning Tower of Pisa. Sa Taoid Museum naman, makikilala ni Drew ang ilang masisipag na senior citizen local guides na magbibigay sa kaniya ng isang kakaibang time travel tour.

Kapag kainan, maasahan siyempre ang mga Ilokano.  First on the menu is Ilocos empanada, lalo na ang gawa ng mga taga-Batac. Kapat binuhusan ng maasim na sukang Laoag, perfect merienda na. Samahan pa ng crispy fried miki na binudburan ng chicharon…talagang panalo! Titikman din ni Drew ang kakaibang dragon fruit ice cream na binabalik-balikan ng mga bisita. And of course, not to be missed pa rin ang mga Ilocano classics tulad ng dinengdeng, dinuguan at sinanglao.

Para naman sa mga mahilig sa adventure, hindi raw dapat palampasin ang pagsakay sa four by four vehicles sa Paoay Sand Dunes. Maghanda lang ng 2,500 pesos para sa isang oras ng pagpapatakbo sa buhangin. Kung kapos sa budget, mas abot-kaya ang sand boarding. Puwede ring mag-horseback riding papuntang Kapurpurawan Rock Formation sa bayan ng Burgos.

Sama na sa "Biyahe ni Drew" ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

Tags: plug