'Biyahe ni Drew' goes to Compostela Valley!
_2018_05_04_19_16_28.jpg)
Biyahe ni Drew Summer Specials: COMPOSTELA VALLEY
Friday, May 4, 2018
8 pm on GMA News TV
It’s an adventure down south as Biyahe ni Drew goes to Mindanao. Samahan si Biyahero Drew Arellano sa lugar na napaliligiran ng malawak na kabukiran, ang Compostela Valley.
Sisisirin ni Drew ang Kopiat Island na perfect for snorkeling and other water activities. Pagkatapos, bibisitahin niya ang Mainit Sulfuric Hotspring na bahagi ng Wellness Loop. Sa Pyalitan Falls, matinding lakas at stamina ang kakailanganin ni Drew para maaakyat ang tuktok nito, pero sulit naman daw dahil pantanggal-pagod ang malamig na tubig ng falls.
Para sa mas lokal na karanasan, sasamahan ni Drew ang mga kababaihan ng Mansaka Tribe para magluto ng lyurot, ang pagkain ng mga mandirigmang Mansaka. Aakyat din siya ng bundok para mahanap ang Rafflesia na sinasabing pinakamalaking bulaklak sa buong mundo.
Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!