ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Nakahuhumaling na ganda ng Jomalig, saksihan sa 'Biyahe ni Drew'


Biyahe ni Drew: Jomalig Island
Friday, June 7 2019
8 pm on GMA News TV

Ano ba ang meron sa Jomalig Island?  Iyan ang aalamin ni Drew Arellano sa Biyernes sa Biyahe ni Drew.

Bahagi ng Quezon, ang Jomalig Island ay mararating mula Real, Quezon sakay ng pump boat. Ihanda ang sarili sa isang mahabang biyahe na aabutin ng halos limang oras. Pero sulit daw ito pag dating sa isla.

Fresh seafood ang unang lalantakan ni Drew. Isa sa sikat dito ang unicorn fish o surahan. Inihaw man o kinulob, tiyak hindi mabibitin ang panlasa mo.

Kikilalanin din ni Drew ang ilang taga-isla. Isa na riyan ang isang miyembro ng Jomalig Food Processors Association na magtuturo sa kaniya kung paano gumawa ng putong kanggos.

Hahabulin ni Drew ang sunset sa Salibungot Beach. Makikipag-kaibigan habang nag-chichill sa Alog White Sand Beach. At depende sa buwan, puwede ring habulin ang perfect wave ng mga mahilig sa surfing.

Go, go, go sa Jomalig! Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English version)

In this episode, Drew Arellano visits Jomalig Island in Quezon where he samples the freshest seafood, chases the sunset in Salibungot Beach, tries his hand at creating a local delicacy, and enjoys the natural splendor of the small island.

Tags: biyahenidrew