ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
‘Biyahe ni Drew’

Tag-init feels sa Pagudpud, Ilocos Norte


Biyahe ni Drew: Tag-init Feels sa Pagudpud, Ilocos Norte
Friday, July 12 2019
8 pm on GMA News TV

Huling hirit sa natitirang tag-init! Iyan ang misyon ni Drew Arellano ngayong Biyernes sa pagbiyahe niya sa Pagudpud, Ilocos Norte!

Medyo mahabang oras ang kailangang bunuin sa daan pero sulit naman ang biyahe para kay Drew.

Unang pupuntahan ni Drew ang Patapat Viaduct na sinasabing isa sa “most scenic and most photographed tourist destinations” ng Pagudpud. Ginawa ang tulay para pagdugtungin ang Ilocos Norte sa Cagayan Valley.

Kilala ang Pagudpud sa magaganda nitong beach kung saan swak na swak ang ilang water activities tulad ng kite surfing.  Sa Blue Lagoon also known locally as Maira-ira Beach, panalo ang white sand beach at napaka-asul na dagat.  At sa Dos Hermanos Islands, nakakaintriga naman ang alamat ng sikat na rock formation.

For authentic Ilocos eats, nariyan ang sautéed bagnet, organic dishes tulad ng mulberry laing, malunggay beef with bugnay wine, at ang kakaibang grilled white corn with basil.

Puwede pang humirit ng pamamasyal bago mag-tag-ulan. Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English)

Drew Arellano visits Pagudpud, Ilocos Norte where he checks out Patapat Viaduct, takes a dip in Blue Lagoon or more locally known as Maira-ira Beach, and samples fusion Ilocano dishes.

Tags: biyahenidrew