ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

‘Biyahe ni Drew’ goes to Sual, Pangasinan


Biyahe ni Drew: Sual, Pangasinan
Friday, November 15 2019
8 pm on GMA News TV

Kung ang hanap mo ay mapayapa at tahimik na bakasyon, samahan si Drew Arellano sa biyahe niya sa Sual, Pangasinan ngayong Biyernes.

Kilalang ‘bangus grower’ ang Sual kaya naman bibisitahin agad ni Drew ang Mariculture Zone Park kung saan nakakaani ng aabot sa 60 toneladang bangus kada araw. Makakasama rin si Drew sa pagpapalaot ng mga mangingisda at mabibisita rin niya ang ilang islang ipinagmamalaki ng Sual tulad ng Cabalitian Island.

Sa Masimerey na isang simpleng baryo, magre-relaks si Drew sa isang resort na paboritong backdrop ng mga photoshoot. Dito, makikita niya ang pagtutulungan ng resort owners sa komunidad.

Simple rin pagkain sa Sual na tila pinaghalong Ilokano at Pangasinense ang luto—may pais na dilis na nilagyan ng bawang, luya, at suka at ibinalot sa dahon ng saging, sinigang na malaga at hipon, at bangus belly na niluto sa pugon.

Sama na sa isang simple at makahulugang bakasyon sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English)

Drew Arellano goes to Sual, Pangasinan where he immerses with the fisherfolk, spends me-time at a famous resort, and partakes of the fresh seafoods the province has to offer.

Tags: biyahenidrew