‘Biyahe ni Drew’ celebrates Christmas in Bacolod
Biyahe ni Drew: Christmas in Bacolod
Friday, December 6, 2019
8 pm on GMA News TV
Biyahe sa Pasko? Bakit hindi kung ang pupuntahan mo naman ay ang City of Smiles, ang Bacolod!


Kinilalang honorary mayor ng Bacolod si Jose Mari Chan kaya aba, mararamdaman talaga ang Christmas in Our Hearts sa Bacolod! Maraming magagandang dahilan kung bakit good idea ang pagpunta sa Bacolod ngayong Pasko. At iisa-isahin iyan ni Drew. Nangunguna sa listahan niya ang pagpunta sa bahay ni Bamboo Tonogbanua na nag-uumapaw ang koleksiyon ng Christmas villages mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Mula Egypt, Mexico, at iba’t ibang bansa sa Europe—name it, he has it.



Christmas gifts ba ‘ika mo? Maraming pan-regalo ang puwedeng bilhin mula sa mga miyembro ng Association of Negros Producers o ANP. Ilan lang riyan ang assorted food and handicrafts. Pasok na sa budget, nakatulong ka pa sa mga lokal na negosyante. Puwede ring mamili ng mga Christmas wreath na gawa ng mga kababaihan ng Negros.






At siyempre, hindi dapat mawala sa Bacolod Christmas ang mga old time favorites ng mga lokal tulad ng lechon, ube pandesal at chorizo.






Christmas in Bacolod? Why not! Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
(English)
Christmas in Bacolod? Why not! Join Drew Arellano as he goes on a Christmas trip to Bacolod where he visits a collector of Christmas villages, meets local handicrafter makers, and samples local Christmas favorites.