Ultimate Zambales Getaway on ‘Biyahe ni Drew’
Biyahe ni Drew: Zambales Getaway
Friday, December 13 2019
8 pm on GMA News TV
It’s Biyahe ni Drew’s Ultimate Zambales Getaway na sa Biyernes!


Bibisitahin ni Drew ang sumisikat na Talisayen Cove kung saan pwedeng magdala ng sariling tent ang mga gustong makipag-one-on-one with nature. Pero siyempre, kailangan pa rin maging isang responsible biyahero kapag dito papasyal.


Sa Hideout, isang vegan resto, organic ang vegan menu nila. Rekomendado rin ito ni Drew dahil polisiya nilang gawing zero waste ang kanilang operasyon.


Sa Brgy. La Paz sa San Narciso, sasama si Drew sa mga miyembro ng Pawicare Hatchery, isang pawikan protection program na nangangalaga at nagpaparami ng mga pawikan. Makikilala rin niya ang komunidad ng mga pawikan poacher turned ranger.


Sa Botolan, matututunan ni Drew ang iba’t ibang gamit ng seaweed na siyang number one export ng Pilipinas pag dating sa aqua culture.






Zero waste living, recycling, and sustainable tourism—lahat ng ‘yan sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
(English)
It’s Biyahe ni Drew’s Ultimate Zambales Getaway but this time, he’ll focus on sustainable tourism as he goes glamping in Talisayen Cove, checks out a zero waste vegan restaurant, and talks to Pawikan Rangers in La Paz.