Exploring Gainza, Camarines Sur on ‘Biyahe ni Drew’
Biyahe ni Drew: Exploring Gainza, Camarines Sur
Friday, January 10, 2020
8 pm on GMA News TV
Bagong taon, bagong destinasyon ngayong Biyernes sa Biyahe ni Drew! Ang kaniyang destinasyon, ang pinakamaliit na bayan sa probinsiya ng Camarines Sur, ang Gainza!


Payak ang mga pagkaing inihahain sa mga lamesa ng Gainza. Isa na rito ang titikman ni Drew, ang Bicolano favorite na pinangat.

Sa tulong ng isang lokal, madidiskubre ni Drew ang tigsik, isang klase ng tula na halos kapareho ng haiku ng mga Hapon.

At kahit maliit na bayan lang, meron ding mga puwedeng gawin sa Gainza para sa mga mahilig sa outdoor adventure. Isa na riyan ang canoeing sa kahabaan ng Bicol River. Puwede ring sumakay sa skates para malibot ang cute na bayan.


Kilalanin ang maliit na bayan ng Gainza sa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
(English)
Drew Arellano visits Gainza, the smallest town in Camarines Sur, where he eats the Bicolano classic pinangat, discovers the ancient art of tigsik, paddles along the Bicol River, and visits the oldest church in town, St, Antony de Padua.