The Island Life in Laguna
Biyahe ni Drew: The Island Life in Laguna
Friday, February 21, 2020
8 pm on GMA News TV
Pinangarap mo na bang tumira sa isang isla? Alamin kung paano sa Biyernes as Biyahe ni Drew goes to Cavinti, Laguna!

Sa Lake Lumot, unang bibisitahin ni Drew ang Paradis Island na isang bohemian-inspired private island na mala-romantic getaway ang dating.



For a more down-to-earth vacation, titira si Drew sa futuristic dome ng island resort na Glamping Etcetera. Gawa sa makapal na plastic ang dome kaya ligtas ang guests mula sa bagyo at iba’t ibang elemento.


Sa Lake Caliraya, bibisitahin ni Drew ang Mountain Lake Resort na paboritong team building destination ng mga kumpanyang malapit sa Metro Manila. Dito, susubukan ni Drew ang iba’t ibang amenities at outdoor sports tulad ng bubble soccer at golf.




At nasa Cavinti na rin lang siya, kikilalanin ni Drew ang mga gumagawa ng sambalilo o sombrero. Aalamin din niya kung paano gawin ang local delicacy na dinuldol.






Maglaro at magsaya sa sarili mong isla sa Cavinti. Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
(English)
Drew Arellano visits Cavinti, Laguna and shows you how to have an island all to your self, enjoy the amenities of a famous lake resort, and experience the local flavor of the town.