ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Southern Leyte Adventure on ‘Biyahe ni Drew’


Biyahe ni Drew: Southern Leyte Adventure
Friday, March 6, 2020
8 pm on GMA News TV

Ngayong Biyernes sa Biyahe ni Drew, lalangoy si Drew Arellano kasama ang mga higante ng karagatan ng Southern Leyte.

Mga magsasaka ng niyog ang karamihan sa mga kalalakihan sa Pintuyan, Southern Leyte. Pero dahil napaliligiran ito ng dagat, marami rin ang mga mangingisda. Matitikman ni Drew ang isa sa pinakasikat nilang huli, ang pusit!

Pero ang pinakabida sa bayang ito ay ang mga whaleshark o butanding! Kaya naman magkakaroon ng close encounter of gigantic proportions si Drew kasama ang mga gentle giant na ito.

Samantala, makakasama rin ni Drew ang mga kababaihan ng Pintuyan na nagkaroon na ng alternatibong kabuhayan tulad ng paggawa at pagbebenta ng handmade whale shark souvenirs.

Maliban sa pakikipagsabayan sa mga butanding, papasyal din si Drew sa mga beach ng Southern Leyte. At kapag nasa beach, dapat may masarap na kainan!

Isang siksik liglig na adventure sa Southern Leyte ang aabangan sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English)

Drew Arellano experiences a close encounter of gigantic proportions as he travels in Pintuyan, Southern Leyte and swims with whale sharks. He also meets the locals who work together to protect the gentle giants.
 

Tags: biyahenidrew