Strippers, The Real 'Taga-riles' at Heroes Come to Life sa isang Brigada
STRIPPERS Ang mga trabahong may kinalaman sa paghuhubad kadalasang itinuturing ng iba na hindi disente o kaya'y imoral. Pero ang katotohanan, marami tayong mga kababayan na kumikita sa pagbibilad ng kanilang katawan. Huhubaran ni Hadji Rieta ang mundo ng mga strippers upang alamin kung ano ang nagtulak sa kanila para pasukin ang trabahong ito. THE REAL HOME ALONG DA RILES Kahapon, inilagak na sa kanyang huling hantungan ang Comedy King na si Dolphy. Pero ang kanyang pamana sa sambayanang Pilipino, hindi matatawaran ng mga ngiti't saya idinulot niya. Bumisita si Jay Sabale sa mga nakatira "along da riles" at sinamahan sila sa pagbibigay pugay sa Hari ng Komedya.
HEROES COME TO LIFE Mistulang tulay natin sa nakaraan ang Intramuros sa Maynila dahil sa pagpe-preserba nito ng moog ng Pilipinas noong panahon ng mga Kastila. Ngunit kumokonti na raw ang pumapasyal dito. Mabuti na lang at may bago silang pakulo --- ang mga kakaibang dulang nagbibigay buhay sa ating mga bayani! Pinasyalan ito mismo ni Victoria Tulad para malaman kung ito na nga ba ang muling magpapataas sa turismo ng Intramuros. Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama... sa iisang Brigada!