ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kambal-uod, Bangkarunungan at Bangis ng Leptospirosis sa ulat ng iisang Brigada


Kambal-uod Laman ng usap-usapan nitong nakaraang linggo sa South Cotabato ang isang babae na nagngangalang Nene na nanganak raw ng kambal- isang tao at isang uod? Ang sanggol namatay, habang ang uod, buhay at tinuturing nilang kadugo. Katunayan, pinaiinom nila ito ng gatas mula sa dibdib ni Nene.  Inalam ni Jennifer Solis ang katotohanan sa likod ng mga pangyayaring ito. Bangkarunungan Sakay ang mga libro at iba pang teaching materials nililibot ng grupo ni Teacher Adrian ang mga isla sa Zambales para turuan ng mga leksyon sa paaralan ang mga kabataan. Sumama sa kanilang paglalayag si Claire Delfin at nakiisa sa proyektong ito. Bangis ng Leptospirosis Sa paghupa ng bahang dala ng habagat nitong nakaraang buwan, tulad nang pinangangambahan, dumami ang mga tinamaan ng leptospirosis, sakit na nanggagaling sa ihi ng daga. At dahil hindi pa nagtatapos ang tag-ulan, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga mabibiktima. Inalam ni Julius Segovia kung may laban pa ba tayo sa bagsik ng leptospirosis. Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama. sa iisang Brigada!