ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Stranding, Dugyot na Toliet, at Totoy Tulak sa iisang 'Brigada'


Nitong mga nakaraang araw, sunod-sunod ang mga natagpuang balyena sa iba't ibang panig ng bansa, na kalauna'y namamatay! Pinakahuli na rito ang isang sperm whale na natagpuang nakalutang sa karagatan ng Zamboanga. Inalam ni Rida Reyes ang dahilan sa tila mga misteryosong pangyayaring ito. Sa susunod na taon, aayusin na raw ng Department of Transportation and Communication ang mga pampublikong palikuran na sakop ng kanilang tanggapan, kasama na rin ang mga comfort room sa mga pantalan, paliparan at istasyon ng tren. Naglibot si Steve Dailisan sa Kamaynilaan para suriin ang estado ng ating mga pampublikong palikuran. Sa Alcala, Pangasinan, isang estudyante ang sangkot diumano sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na marijuana sa loob mismo ng paaralan. Inimbestigahan ni CJ Torrida ng GMA Dagupan kung paanong nakalusot sa seguridad ng paaralan ang ilegal na gawaing ito. Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama. sa iisang Brigada!