ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Hot Air Baloon Festival sa 'Brigada'


BRIGADA
Luxury Cars, Hot air balloon fiesta, at Sangla

Airing date: February 25, 2013



Sa Port Irene sa Sta. Ana, Cagayan patuloy pa rin ang pagdating ng mga inangkat na segunda manong sasakyan pati na mga luxury cars kahit pa ipinagbabawal na ito ng batas. Pero umaapela ang mga importers ng second hand cars at ang mga umaasa sa kalakalang ito dahil sila naman daw ang maapektuhan sa paghihigpit na ito. Siniyasat ni Julius Segovia ang puno't dulo ng isyung ito.



Tuwing Pebrero idinaraos ang taunang Hot Air Balloon Festival sa Clark Air Base sa Pampanga. Sinubukan ni Hadji Rieta sumakay sa hot air balloon at inalam kung paano magiging ligtas ang bawat paglipad dito.



Alahas, appliances at gadgets ang kadalasang isinasangla ng ating mga kababayan. Pero si "Nelia" di niya tunay na pangalan, sa sobrang hirap ng buhay, hindi mga kasangkapan ang sinangla. Isisiwalat ni Mariz Umali kung ano na nga ba ang sinasangla ngayon ng mga kapit sa patalim.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!
Tags: plug, brigada