ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pagre-resign ni Pope Benedict XVI, isyung tinutukan ng 'Brigada'


Brigada
Ang Pope sa mga Pilipino, War on Worms, at Quotable Quotes

Airing Date: March 4, 2013

ANG POPE SA MGA PILIPINO



Sa pagbaba sa puwesto ni Pope Emeritus Benedict XVI, masugid nang inaantabayanan ng buong mundo ang susunod na magiging Santo Papa. Kabilang na sa mga nag-aabang ang mga Pilipino lalo pa't ang isa sa matunog na papabile si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle. Inalam ni JP Soriano kung paano nga ba naapektuhan ng mga Santo Papa ang buhay nating mga Pilipino.

WAR ON WORMS



Siyam sa sampung estudyante ng Abadilla Elementary sa Rosario, Cavite, binubulate! Dumayo roon si Claire Delfin para siyasatin ang puno't dulo ng tila hindi mapurga-purgang problemang ito.

QUOTABLE QUOTES



Dati sa mga sulat at text messages lang naipapasa-pasa ang mga quotes o kasabihang kadalasang pinaghuhugutan natin ng inspirasyon sa buhay. Pero ngayon, sinakop na rin nito ang Internet. Nakilala ni Cesar Apolinario ang mga taong hindi lang ginagawang hobby ang pagsusulat ng quotes, kumikita na rin sila ng pera sa pagtu-tweet nito.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!