ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Eksklusibong panayam kay Nancy Binay sa 'Brigada'
BRIGADA
Airing Date: May 20, 2013

Walang dudang isa siya sa pinakakontrobersyal na tumakbo at nanalo sa pagka-Senador sa katatapos lang na eleksyon -- si Senator-Elect Nancy Binay. Lahat na yata ng masasakit na salita binato na sa kanya, mula sa kakulangan niya ng kakayahan para maging Senador hanggang sa kulay ng kanyang balat, nilait-lait. Sa panayam ni Claire Delfin, sasagutin ng nagpakilalang 'Nanay de Pamilya' sa Senado ang lahat ng mga isyung pinupukol sa kanya.

Pagdating nga raw ng araw ng halalan, lahat pantay-pantay, mayaman man o mahirap, kahit pa yung mga may kapansanan. Habang nagcocover sa eleksyon, nakilala ni Isay Reyes ang isang botanteng pumukaw ng interes sa sambayanan -- si Niño. Putol ang kamay at paa nito ngunit hindi ito naging hadlang upang siya'y makaboto

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang maiproklama bilang Alkalde ng Maynila, eksklusibong nakapanayam ni Lala Roque si Dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada. Dito ikinwento niya kung ano ang kanyang mga pinagdaanan sa kampanya, ang mga balak niya para sa lungsod ng Maynila, at kung magkaayos pa ba sila ng mahigpit niyang nakatunggali na si Manila Mayor Alfredo Lim.
Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho, patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!

More Videos
Most Popular