ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Daluyong: A 'Brigada' Special




Umaabot na sa halos apat na libo ang tinatayang patay sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan at inaasahang tataas pa ang bilang na 'yan. Ngunit para sa mga nakaligtas sa trahedya, hindi rito nagtatapos ang kanilang kalbaryo. Dahil sa tila pagkabura ng kanilang lugar sa mapa at bagal ng relief operations, marami ang nagsisilikas na palabas ng Leyte. Marami ring mga lumutang na mga batang naulila dahil sa pagkamatay ng kanilang mga magulang na nilamon ng mga higanteng alon dulot ng storm surge.



Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho, at sa mga ulat nina Chino Gaston at Ian Cruz mula mismo sa Tacloban, alamin kung paano kinakaharap ng mga biktima ni Yolanda ang mga kinakaharap nila ngayong daluyong ng pagbabago.  Lahat ng 'yan sa isa namang espesyal na pagtatanghal ng Brigada ngayong Lunes, alas otso ng gabi sa GMA News TV.