ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga kuwento sa likod ng Pinoy Christmas songs sa 'Brigada'


BRIGADA
Martes, December 2, 2014
8 PM sa GMA News TV


DIRTY TACTICS SA TAXI



Panahon na naman ng Kapaskuhan kaya doble kayod na rin ang mga kawatan sa panggagantso sa mga ordinaryong mamamayan. Kagaya na lang ng ilang mga taxi driver na patuloy na umiisip ng mga bagong paraan para makapanloko ng kanilang mga pasahero. Inalam ni John Consulta ang mga bagong modus ngayon ng mga mapagsamantalang taxi driver.

PINOY CHRISTMAS SONGS



Hindi kumpleto ang Paskong Pinoy kung walang kantahan! At kung Pinoy Christmas songs ang paguusapan, marami tayong mga himig na talaga namang nagpapa-merry ng ating mga Christmas! Inalam ni Mav Gonzales ang mga kuwento sa likod ng ilan sa mga walang kamatayang kantang Pamasko gaya ng "Ang Pasko ay Sumapit" at "Kumukutikutitap."

MURANG NGITI



Mangingiti ka nga sa kamurahan pero luluha ka naman sa posibleng mangyari sa ngipin mo kapag tinangkilik ang DIY o do-it-yourself braces. Ang pinakamalala, imbes na maayos ang mga sungki, puwedeng magkabungal-bungal ang iyong bunganga. Inalam ni Cata Tibayan ang kalakaran sa pagbebenta at paggamit ng mga peke at delikadong produktong ito.