ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Ligaw na Bala' tatalakayin sa 'Brigada'
BRIGADA
Martes, January 6
8pm sa GMA News TV


LIGAW NA BALA
Ayon sa pinakahuling tala, hindi bababa sa 60 ang naiulat na tinamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong ng bagong taon. Dahil sa dumaraming mga nabibiktima, muli na namang naging mainit na usapin ang walang habas na pagpapaputok ng baril. Pero dahil tila walang pangil ang batas, hindi pa rin nadadala ang mga walang konsensyang nagpapaputok ng baril na hindi alintana sa posible nilang maging biktima.


Inalam ni Sherrie Ann Torres kung may pag-asa pa bang makamit ang hustisya ng mga walang kalaban-labang biktima ng ligaw na bala.


Inalam ni Sherrie Ann Torres kung may pag-asa pa bang makamit ang hustisya ng mga walang kalaban-labang biktima ng ligaw na bala.
PAGKAING PATOK
Bukod sa fashion, personalidad, mga gadget, at kung anu-ano pa, madalas nagkakaroon ng forecast tuwing bagong taon kung ano ang mga magiging in at uso. Pero napapanahon na raw para isama sa listahang iyan ang iba't ibang mga pagkaing papatok ngayong 2015! Ito rin daw kasi ang panahon kung kailan bibida sa buong mundo ang pagkaing Pinoy na minsan na ring napansin ng ilang mga food critic sa ibang bansa.


Natikman ni Cata Tibayan ang mga pagkaing pasok sa ating panlasa ngayong 2015!
Abangan ang mga 'yan sa Brigada, Martes ng 8 PM sa GMA News TV-11!


Natikman ni Cata Tibayan ang mga pagkaing pasok sa ating panlasa ngayong 2015!
Abangan ang mga 'yan sa Brigada, Martes ng 8 PM sa GMA News TV-11!
More Videos
Most Popular