ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Viva Santo Papa! sa 'Brigada'



 
Tuluyan na ngang nakabalik sa Roma ang kadadalaw lang sa ating si Pope Francis. Subalit nananatili pa ring sariwa sa puso at diwa nating mga Pilipino ang mga iniwan niyang mensahe.
 
 

 
Bilang tugon sa espiritwal na biyaya at inspirasyong hatid ni Pope Francis, sinuklian siya ng mainit na pagtanggap ng sambayanang Pilipino. Kita ito sa laksa-laksang mga taong dumagsa para masulyapan man lang ang Santo Papa saang lugar man siya mapadpad. Nakibahagi sa kasiyahan at pagsalubong kay Pope Francis si Claire Delfin.
 

 
Kaakibat ng pagdalaw ng Santo Papa, hindi rin magkanda-ugaga ang mga tauhang naatasan na mangalaga sa kanyang seguridad. Nagsilbing malaking hamon din kasi ang pagsigurong ligtas sa anumang banta si Pope Francis maging ang milyun-milyong mga debotong dumalo sa kanyang mga aktibidad. Tinutukan ni John Consulta ang paghahanda ng mga awtoridad sa seguridad ng Santo Papa.
 

Bukod sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda sa Leyte, isa ring sinadya ni Pope Francis na makapiling ang mga kabataang Pilipino. Ang ilan namang mga mapalad na nakalapit sa Santo Papa, habambuhay na babaunin hanggang sa kanilang pagtanda ang alaala ni Pope Francis na minsan na nilang nahagkan at nasilayan. Ang mga kwento ng kanilang once in a lifetime experience, ibinahagi kay Rida Reyes.