ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Wallowance' ng mga pulis noong Papal visit, tatalakayin sa Brigada


BRIGADA
Martes, Enero 27
8 PM sa GMA News TV-11

WALLOWANCE
Umalma ang ilang miyembro ng kapulisan nang masiwalat ang di umano’y pang-iipit ng meal allowance ng mga pulis na itinalagang maglatag ng seguridad para sa Santo Papa noong nakaraang linggo. Sa kabila kasi ng kanilang ginawang sakripisyo para sa serbisyo, nagawa pa raw silang tipirin sa pamamagitan ng hindi pagbigay ng kabuuang pondo para sa kanilang pagkain.

 
Tinutukan ni Ian Cruz ang isyu sa meal allowance ng PNP.
 
TARA NA SA SAGADA
Kung ang karamiha'y nangangatog na sa umiiral ngayong malamig na panahon, mayroon namang ilan na ang tagos sa butong lamig ang hinahanap-hanap ng katawan. Sa ganitong panahon nga raw pinaka-patok mamasyal sa Sagada kung saan ang sasalubong sa'yo ay ibang klaseng katahimikang malayo sa magulong siyudad na sinamahan ng tamang timpla ng kakaibang adventure at mayamang kultura!

 
Ang Sagada experience na ito, tiyak daw na hindi malilimutan ni Cedric Castillo.
Tags: brigada, sagada