ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Bultong' o tradisyunal na pakikipagbuno ng mga Ifugao, tampok sa 'Brigada'




BRIGADA
August 18, 2015
8 pm sa GMA News TV
 
 
HOW’S MY DRIVING?
Apat ang patay at labing walong iba pa ang sugatan matapos ang isang aksidente sa kalsada na kinasangkutan ng isa na namang pampasaherong bus. Hindi tuloy maiwasang mangamba ng mga commuter. Tunay nga bang ligtas ang halos araw-araw na pagsakay at pagtangkilik sa mga pampublikong sasakyan? At bukod sa mga aksidente, sa mga PUV o public utility vehicles din kadalasang nabubunton ang sisi sa napakabigat at buhol-buhol na daloy ng trapiko ngayon sa Kamaynilaan. Totoo nga bang kakambal na ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan ang kawalan ng disiplina? Minanmanan ni Jay Sabale ang mga lansangan sa kalakhang Maynila para malaman kung bakit nga ba hindi mawala-wala ang mga pasaway at sakit sa ulong motorista. 

 
BULTONG
Bultong ang tawag sa tradisyunal na wrestling o pakikipagbuno ng mga katutubong Ifugao. Noong unang panahon, ito ang pamamaraan ng mga katutubo para masolusyunan ang mga land dispute o alitan sa lupa. Ngayon, nananatili pa ring buhay ang larong ito at kalimitang itinatampok pa rin sa mga malalaking pagdiriwang ng kanilang tribo. Ang tila natural na husay sa pakikipagbuno ng mga Ifugao ang naging daan para maging kampeon din sa modernong uri ng wrestling kung saan dumaraming mga kabataang Ifugao ang nakikilahok. Tumungo sa lalawigan ng Ifugao si Victoria Tulad para alamin kung gaano nga ba katindi ang larong bultong.
 

 
SINGING FARMERS
Isang video ang kumalat sa internet kung saan makikitang ang isang grupo ng mga magsasaka… nagpupunla ng palay sa saliw ng kanilang sariling kanta. Ang mga nasa video, mga manananim o rice planters kung tawagin--- mga magsasakang inuupahan ang serbisyo para magtanim ng palay sa palayan ng iba. Gayong batid na “magtanim ay ‘di biro”,  paraan daw nila ito para umiwas sa pagkabagot at malibang ang isip mula sa hirap at realidad ng sektor ng agrikultura sa bansa. Sa kabila nito, tila nakatutuwang isipin na mayroon pa ring mga gaya nilang mga susunod na henerasyon ng magsasakang nagtitiyaga’t nagpapatuloy ng larangan ng pagsasaka sa bansa. Sinubukan silang sabayan ni Bam Alegre sa kanilang pagtatanim with matching singing portion.