Knowsung n’yo ba ang bekinese?
Bagamat hindi pa pormal na bahagi ng opsiyal ng ating wika, isa sa mga tila umuusbong at gamit na gamit ngayon na lenggwahe sa araw-araw na pakikipagtalastasan ay ang gay lingo o “bekinese” kung tawagin. Sa paglipas ng panahon, unti-unti na ngang mas nagiging bahagi na ng normal na pananalita at pakikipagtalastasan ang mga salitang ito.
Isa sa mga katangian ng bekinese ang paggamit ng pangalan ng mga sikat na tao at lagyan ito ng kahulugan. Knowsung mo ba ang bekinese meaning ng mga pangalan ng mga utaw na itey?

Kahulugan: umuulan, hango sa pangalan ng tanyag na singer na si Alanis Morissette
Use in a sentence: Wiz ako makakarampa today! Julanis Morisette kasi!

Kahulugan: talunan o natalo, hango sa pangalan ng character actress na si Luz Valdez
Use in a sentence: Imbyerna akey! Luz Valdez ako sa contest sa office!

Kahulugan: haggard, o itsura ng taong pagod, hango sa pangalan ng actor na si Gardo Verzosa
Use in a sentence: Haggardo Verzosa na akey paano ba naman siksikan ang mga utaw sa MRT!

Kahulugan: gutom, hango sa pangalan ng sikat na singer na si Tom Jones
Use in a sentence: Waiter, matagal pa ba ang order ko? Tom Jones na ako!

Kahulugan: natatakot, hango sa pangalan ng iconic na singer na si Freddie Aguilar
Use in a sentence: Ayoko na lumabas ng bahay! Afraidy Aguilar ang kidlat!

Kahulugan: Naiinis, hango sa pangalan ng sexy star na si Ynez Veneracion
Use in a sentence: Kainez Veneracion itong traffic sa EDSA late na late na ako sa rampa ko!

Kahulugan: Kahit na haggard na, maganda pa rin. Hango sa pangalan ng nag-iisang Dina Bonnevie
Use in a sentence: Kainggit naman si Marian Rivera, kahit na puyat at pagod sa taping, Haggardina Bonnevie pa rin! Pak!
Matagal na raw nagsimula ang paggamit ng bekinese o gay lingo sa bansa. Naging sandata raw ito ng gay community laban sa diskriminasyon. At sa pagdaan ng panahon, nagbago ito at tila ba naging parte na rin ng lehitimong wikang Filipino.
“Dahil sa homophobia, nag-imbento sila ng sariling language at subculture na kung saan free nila ma-eexpress yung kanilang sarili,” paliwanag ng Ka Federacion, isang LGBT group.
Ang bagay na sigurado raw na hinding hindi natin mapipigilan: ang pagbabago. Sa wikang Filipino, bagamat may mga itinakdang alituntunin sa tama at maling paggamit ng balarila, bukas pa rin naman ito sa mga maaaring maidagdag na bagong mga salita at elemento: salitang kanto man, Taglish o gay lingo. Ang mahalaga, buhay ito’t malayang napakikinabangan para magpahayag ng anumang nasa isip natin at nararamdaman.---Kimberlie Refuerzo/BMS, GMA Public Affairs
Mapapanood ang Brigada tuwing Martes, 8:00 PM sa GMA News TV. Para sa karagdagang impormasyon sa programa, sundan kami sa Facebook at Twitter. Para naman sa impormasyon tungkol sa mga paborito ninyong Public Affairs program, sundan ang GMA Public Affairs.