ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Isyu ng annulment, tatalakayin sa 'Brigada'





“HALAL”
 
Magaganap ngayong Biyernes ang isa sa pinakamalaking okasyon ng mga kapatid nating Muslim… ang Eid al-Adha o Feast of Sacrifice. Pero may pagdiriwang man o wala, hindi maikakailang malaking bahagi ng kulturang Islam ang pagkain. Patunay nito ang pagkakaroon nila ng konsepto ng halal o mga pagkaing pinapayagan lamang ng kanilang relihiyon. Bilang isa mismong Muslim at bahagi ng grupong Tausug mula sa lalawigan ng Basilan, ibinahagi ni Marisol Abdurahman ang mga pagkaing nakalakihan niya’t bahagi na ng kanilang kultura.

 
“ONE MORE CHANCE”
 
Matapos ang mahabang panahon ng konserbatibong pananaw ng simbahang Katolika ukol sa annulment o pagsasawalang bisa ng kasal, iminungkahi ni Pope Francis mismo na gawing mas madali at mabilis ang proseso ng annulment para sa mga mag-asawang nagkahiwalay na. Dahil ditto, nakakita naman ng pag-asa ang mga kababayan nating mag-asawa na nasasadlak at araw-araw na nabubuhay sa hirap na dala ng kasal na nauwi sa hiwalayan. Siniyasat ni Katrina Son kung ano nga ba ang mas matimbang – ang annulment ba o ang sumpaan sa dambanang magsama habangbuhay sa hirap at ginhawa.


“FISH ODOR SYNDROME”
 
Para sa 29 taong gulang na si Marlon, tila araw-araw na parusa ang posibleng pagkakaroon niya ng trimethylaminuria o tinatawag ding “fish odor syndrome”,  Isa itong rare genetic condition kung saan ang katawan ng isang tao ay naglalabas ng matindi at hindi kaaya-ayang amoy. Dahil ditto, labis na apektado ang kanyang buhay. Nariyang naging tampulan siya ng tukso ng mga kanyang kaklase sa eskwelahan, hanggang sa pagiging hirap na makuha sa mga trabahong inaaplayan. Inalam ni Victoria Tulad kung paano pinipilit ng mga gaya ni Marlon ang magkaroon ng kahit papaano’y normal pa ring buhay sa kabila ng pagkakaroon ng kondisyong wala namang lunas.
 
Tags: pr, prstory, annulment