Isyu ng child pornography sa Pilipinas, tinutukan ng 'Brigada'

"CHILD PORN”

Hindi bababa sa walong taong gulang ang pinakahuling naging biktima ng mga hinihinalang nasa likod ng operasyon ng child pornography dito sa bansa. Diumano kinukunan nila ng hubad na larawan ang mga kawawang paslit at ibinibenta ang mga ito sa mga dayuhan. Ang masaklap pa rito, may ilan pang mga magulang mismo na ibinubugaw din ang sariling anak kapalit ng malaking halaga. Sumama si John Consulta sa entrapment operation na inorganisa ng National Bureau of Investigation o NBI ng Pilipinas sa pakikipagtulungan ng Federal Bureau of Investigation o FBI ng Amerika para matiklo ang mga galamay ng diumano sindikato ng child pornography dito sa Pilipinas.
“BATANG TOUR GUIDE”

“DEATH MARCH MARKERS”

Nakapanghihinayang ang sinapit ng ilang historical markers na tanda ng malagim na sinapit ng ating mga sundalo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bagamat mayroong ilang matino pang markers na nakatindig para ipaalala ang lagim ng death march, may ilan ding tila nasalaula na’t wala na sa orihinal nitong porm. Gaya na lang ng ilang markers sa highway sa Hermosa, Bataan na tila nakatambak na lang sa gilid ng kalsada sa gitna ng isinasagawang road widening project doon. Inalam ni Tricia Zafra ang kalagayan ng iba pang death march markers sa Bataan at kung sadya nga bang hindi na alintana ng ilan ang kahalagahan ng ating kasaysayan.