ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
#BrigadaEleksyonSerye

Isyu ng mga OFW, tatalakayin sa 'Brigada'


BRIGADA ELEKSYON SERYE: BAGONG BAYANI

 


Matinding pagdurusa ang dinaranas kamakailan ng mga kababayan nating OFW o Overseas Filipino Workers sa bansang Saudi Arabia na apektado ngayon ng krisis sa langis. Dahil pawang mga biglaang nawalan ng trabaho… kanya-kanyang diskarte sila ngayon para lang may maipadalang pera sa mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas – kahit pa humantong ito sa pagbebenta nila ng sariling dugo. Isa lang ito sa mga kwento ng pagsubok at sakripisyo na pinagdaraanan ng mga kababayan nating piniling mangamuhan sa ibang bayan. Subalit nasusuklian nga ba ito ng pamahalaan? Dininig ni Steve Dailisan ang mga hinaing ng mga OFW hinggil sa sinasabing kakulangan daw ng suporta at benepisyo sa kanila ng gobyerno.

 

SUMMER BUCKET LIST


Rock climbing? Check! Cliff diving? Check! Skydiving? Check! Ilan lang ito sa mga extreme adventures na kasama sa bucket list o mga bagay na gustong gawin ngayong nalalapit na ang tag-init. Mabuti na lang, maraming tourist destinations na malapit lang sa Kamaynilaan kung saan pwede mong ma-experience ang iba’t ibang makapigil-hiningang extreme activities na ito! Hindi inurungan ni Mav Gonzales ang mga extreme adventures na ito sa kanyang bucket list, mapa-land, sea, o air man!
Tags: pr