ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Dahilan ng kaliwa't kanang road rage, tatalakayin sa 'Brigada'


BEAST MODE

 


Tila dumarami ngayon ang mga nakukunang video ng mga motorista at pedestrian na pinangungunahan ng init ng ulo at nauuwi sa banatan sa kalsada. Ang pagbi-beast mode daw na ito ng ating mga kababayan... maaaring sumasalamin daw sa tila umiiksing pisi ng mga bumabaybay sa mga kalsada sa Metro Manila bunsod na rin ng palala ng palalang daloy ng trapiko. Maaari nga bang humantong pa sa higit sa sapakan ang mga eksenang nakukunan sa ating mga lansangan? Inalam ni Katrina Son ang iba't ibang dahilan ng road rage... at kung paano ito maiiwasan.

BALSA BASA

 


Kilala ang Donsol, Sorsogon bilang paraiso ng mga tinaguriang gentle giants ng karagatan – mga butanding o whale sharks. Pero sa kabila ng tinatamasa nilang biyaya… maraming kabataan dito ang tila salat sa kakayahang makapagbasa. Kaya naman para sa gurong si Ryan... naisipang magpasimula ng proyektong tugon sa problemang ito kahit pa sa kanyang maliit lang na paraan -- ang Balsa Basa. Ang balsang kanyang binuo... nagsisilbing kanlungan ng mga kabataang nais matuto at mahasa ang kanilang kaalaman sa pagbabasa. Dumayo sa Donsol si Victoria Tulad para makibahagi sa pagtuturo sa pagbabasa sa kakaibang silid-aralang balsa.

Tags: pr