ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Deadline sa droga ni President Rody Duterte, tatalakayin sa 'Brigada'


Brigada
June 28, 2016
8 PM sa GMA News TV

“Deadline sa Droga”

Hindi pa man pormal na nanunungkulan si President-elect Rodrigo Duterte… daan-daan na ang sumuko sa mga awtoridad kamakailan lang na mga aminadong gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga. Ang pagusuplong sa kanila mismong mga sarili… bunsod daw ng pangamba sa kani-kanilang mga buhay matapos ang mga napabalitang kaliwa’t kanang pagtumba sa mga hinihinalang sangkot din sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Siniyasat ni John Consulta kung totoo ngang handa na ang mga kinauukulan kung “change is coming” ang pag-uusapan.

“Hugot”

“Ang elevator parang pag-ibig lang. Kung wala ka namang espasyo, huwag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo. Baka mahulog ka lang at masaktan.” Isa lang ito sa mga nauuso ngayong hugot lines o mga linyang ang pinagmulan… mga makabagbag-damdaming emosyon na kadalasang patungkol sa pagkasawi sa pag-ibig. Sa sobrang patok nito ngayon… hindi lang ito nagpausbong ng pagkahumaling ng mga kabataan sa tula’t may pagkamakatang pakikipagtalastasan… kundi pati na ng mga kainang hugot ang tema! Inalam ni Mav Gonzales kung bakit relate na relate ang karamihan sa mga nauusong hugot lines.

Tags: plug