Sakripisyo ng mga guro, kikilalanin sa 'Brigada'
_2016_09_27_14_16_34.jpg)
MAESTRA
Buwan ng Setyembre ginugunita ang National Teachers' Month. Panahon kung kailan ginugunita ang kadakilaan at pagsasakripisyo ng mga minamahal nating guro. Dito rin mas nabibigyang pansin hindi lang ang mga natatanging ambag at dedikasyon ng mga huwarang guro kundi pati na ang mga isyu at suliraning pinapasan nila sa pagganap ng kanilang mga tungkulin sa napiling bokasyon. Inalam ni Athena Imperial ang iba't ibang istorya ng pagsubok at inspirasyon ng ilannating mga guro.

OBRA SA KAHOY
Hitik sa kasaysayan ang lalawigan ng Bataan. Isa sa mga pinakatumatak ditong bahagi ng ating nakaraan, ang malagim na Death March kung saan namatay ang libu-libong sundalong Pilipino.
Bukod sa pagkakakilalang ito sa Bataan, sinusubukan ng mga taga-Bagac na gumawa ng sariling pangalan sa pamamagitan ng mabusisi nilang sining -- detalyadong mga wood mosaics na likha ng mga kababaihan.