ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kakulangan sa bigas sa Pilipinas, tatalakayin sa 'Brigada'


 


BIGAS SA PINAS
Nabahala ang ilan sa balitang tatagal na lang daw ng ilang araw ang buffer stock ng bigas ng National Food Authority o NFA. Malaki ang epekto nito sa mga mamimiling umaasa sa murang NFA rice.  Bagamat nauna nang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pigilan ang pag-aangkat ng bigas para na rin sa interes ng mga kababayan nating magsasaka, kalauna’y pinayagan na rin ng gobyerno ang rice importation ng NFA para mapunan nang buffer stock na nararapat sanang tumagal ng aabot sa isang buwan. Inimbestigahan ni Mariz Umali kung bakit nga ba kahit nasa ating bansa ang teknolohiya’t kaalaman sa pagsasaka ng bigas patuloy pa ring tila pangarap na lang ang inaasam na rice self-sufficiency sa Pilipinas.

 


POKPOKLO

Malawak   ang   dagat   na   tanaw   mula   sa baybayin   ng   Barangay   Balaoi,   Pagudpud, Ilocos Norte. Kaya ang kabuhayan dito, naka-angkla rin sa hitik ditong yamang-dagat na kung tawagin dito, pokpoklo o seaweed. Nakukuha ang mga ito dalawampung talampakan sa ilalim ng dagat, at sinisisid ng mga kabataan tulad ng labing dalawang taong gulang na si Moreno. Pumapasok naman siya sa eskwela, pero pinipili niyang lusungin ang mga pokpoklo para na rin makatulong sa panggastos ng kanilang pamilya. Inalam ni Tricia Zafra ang pinagdadaanan ng mga nangunguha ng pokpoklo para sa kanilang mga pangarap.

Tags: pr