ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pagtaas ng kaso ng depresyon sa Pilipinas, tatalakayin sa 'Brigada'


BRIGADA
OCTOBER 17, 2017
8 pm sa GMA News TV


DEPRESSION
Hindi basta-basta ang pinagdaraanan ng mga taong may depression. Dahil sa labis na nakaaapekto ito sa disposisyon at emosyon ng isang tao, seryoso ang epektong maaaring maidulot nito, kabilang na ang sensitibong usapin ng suicide lalo na sa mga kabataan. Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization noong 2014, 4.5 milyong Pilipino ang may depression. Sinuri ni Tricia Zafra kung sapat nga ba ang mga pasilidad at programa ng gobyerno para sa mga pasyenteng may depression.

SOCIAL MEDIA
Minsan nang napatunayan na sa pamamagitan ng social media at internet, maaaring mabago ang takbo ng buhay ng isang tao. Para sa mga pinalad, naging daan ito para maantig ang madla mula sa natatangi nilang kwentong kapupulutan ng inspirasyon. Sa kabilang banda, marami na rin ang tila minalas dito at nabunyag sa peligro kagaya na lang ng mga nabiktima ng online identity theft ay iba pang high tech modus ng mga sinasabing kawatan. Inalam ni Jamie Santos ang magkabilang mukha ng social media.

Tags: pr, plug