ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga dapat gawin para makaiwas sa aneurysm, tatalakayin sa 'Brigada'


BRIGADA
November 7, 2017
8 pm sa GMA News TV

ANEURYSM


Walang nag-akalang brain hemorrhage due to aneurysm ang kukuha sa buhay ng 41 anyos na aktres na si Isabel Granada. Bukod sa masigla naman niyang pangangatawan, wala namang naramdamang anumang sintomas nito si Isabel bukod sa ininda niyang panaka-nakang sakit ng ulo at pagkahilo. Dahil dito, naging mas mulat ang publiko sa bantang hatid ng aneurysm. Inalam ni Lala Roque kung anu-ano ang mga paraan para makaiwas sa sakit na ito.

CHILDREN’S BOOKS


Kadalasan, mga kwentong pambata ang laman ng mga pahina ng children's books. Pero ngayon, may ilan nang mga librong pambatang tumatalakay sa mga realidad ng lipunan tulad ng homosexuality, krimen, at kamatayan. Sa pamamagitan daw kasi ng diskusyon sa mga sensitibong isyung ito, mas maagang namumulat ang mga kabataan na siya ring magbibigay sa kanila ng kahandaan sa pagharap sa mga ito sa kanilang pagtanda kalaunan. Nakilala ni Bernadette Reyes ang ilang mga manunulat na nasa likod ng mga akdang ito.
Tags: pr, plug, brigada