'Bangga modus,' tatalakayin sa 'Brigada'

BANGGA MODUS
Marami ang mga nahu-hulicam na mga insidente ng nabubundol sa kalsada. Pero kaduda-duda ang ilan sa mga ito dahil ang mga sangkot dito, animo'y sumailalim sa "bangga modus school of acting". Ang siste kasi, kunwaring magpapabangga sa motorista, at pagkatapos ay manghihingi ng pera sa kawawang nabiktima. Pero dahil nagkalat na ang mga CCTV at dashcam sa mga lansangan ngayon, naisiwalat na ang panggugulang na ginagawa ng mga kawatan. Sinubukang tuntunin ni Jay Sabale ang mga nasa likod ng tinaguriang bangga modus gang.

ALDRINNE PINEDA
Pangarap sanang maging pulis ng labing tatlong taong gulang na si Aldrinne Pineda. Pero sa isang iglap, gumuho ang pangarap niyang ito matapos mag-krus ang kanilang landas ng pulis ding si PO2 Omar Malinao ng Manila Police District sa isang slaughterhouse sa Tondo, Maynila. Bagamat umuusad na ang imbestigasyon, tila malaking pagsubok pa rin para sa mga magulang ni Aldrinne ang pagkamit ng hustisya. Muling binalikan ni Bam Alegre ang mga pinangyarihan ng krimen.
English version:

BANGGA MODUS
Several accidents have been caught on cam lately, including few cases wherein con artists pretend to be hit by a moving vehicle to extort money from their victims. But because of technology, the modus has been exposed through CCTVs and dashcams. Jay Sabale tries to find out who are behind this new mode of extortion.

ALDRINNE PINEDA
Thirteen-year-old Aldrinne Pineda dreamed of becoming a policeman. But this dream was crushed when he was killed during an encounter with policemen, including PO2 Omar Malina who allegedly fired the fatal shot in a slaughterhouse in Tondo, Manila. There are several versions of the story, but one is certain – Aldrinne is dead and will no longer be able to pursue his dream. While the case is being investigated, Aldrinne's parents cry for justice. Bam Alegre looks into the case of Aldrinne Pineda.