ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Hot Air Balloons ng Lubao, Pampanga, ibibida sa 'Brigada'


 


BIYAHENG BOLINAO

Simula pa lang bakasyon para sa karamihan, kaya naman kaliwa't kanang road trip at adventure na ang pinaplano ng ating mga kababayan. Para hindi mauwi sa drawing ang usapang gala, anim na oras lang mula sa Maynila ang mga atraksyong hatid ng bayan ng Bolinao sa Pangasinan. Natatanging nature tripping ang matatagpuan sa lugar na ito, kabilang na ang floating resto sa Balingasay River, makapigil-hiningang rock formations sa Patar Beach, o 'di kaya'y mag-falls hopping sa ilang talong matatagpuan dito. Nilibot ni Victoria Tulad ang iba't ibang mga patok na tourist attractions sa Bolinao.

 


WOW, LUBAO!

Malaking dagok sa lalawigan ng Pampanga ang nangyaring pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Para muling mapaangat ang kalooban ng mga Kabalen, sinimulan ang pagpapalipad ng mga hot air balloon, una sa Clark sa Pampanga, at ngayon sa bayan naman ng Lubao. Hindi na lang ito dinarayo ng mga Kapampangan, kundi pati na rin ng mga mula pa sa iba't ibang lugar na nais ma-experience ang maabot ang kalangitan sakay ng naglalakihan at makukulay na mga higanteng lobo. Dumayo si Bernadette Reyes sa ika-limang Lubao International Balloon Festival.

 


BIYAHENG BOLINAO

Summer vacation is just around the corner, that’s why many are now busy planning their summer adventures. Among the many options for adventure seekers is Bolinao, Pangasinan which is only six hours from Manila. Nature tripping here will not disappoint – a floating resto in Balingasay River, breathtaking rock formations in Patar Beack, and several falls where you can experience the tranquility of nature. Victoria Tulad explores some of Bolinao’s  well-known tourist attractions.

 


WOW, LUBAO!

When Mt. Pinatubo erupted in 1991, the province of Pampanga suffered so much from the devastation. But the local tourism office found a way to somehow uplift the spirits of the Kabalen: they flew hot air balloons!  This became a yearly event in Clark.  But now, this attraction can be seen in the Municipality of Lubao where tourists from all over the world flock to get a chance to experience flying onboard a giant balloon.  Bernadette Reyes finds out for herself what it’s like to see the sky from a hot air balloon.