Mga kaso ng pag-kidnap sa ilang bata, tatalakayin sa 'Brigada'
BRIGADA
KIDNAP

Lumutang kamakailan lang ang ilang mga nabiktima raw ng gumagalang van na nasa likod daw ng operasyon ng kidnapping. Sa lungsod ng Muntinlupa, isang grupo ng kalalakihan ang dinukot ng mga armadong lalaking lulan ng isang van, at matapos ang ilang araw ay natagpuang bangkay na ang ilang biktima.

Umaasa naman ang magulang ng nalalabi pang hindi lumilitaw na biktima na ligtas pa ring makababalik ang nawawala nilang anak. Inalam ni Victoria Tulad ang mga istorya sa likod ng pagkawala.
MGA BATANG MANGANGAPA

Panahon na ng anihan sa mga palaisdaan sa Paombong, Bulacan. At sa pagkakataong ito, lumilibot sa mga natuyong palaisdaan ang ilang grupo ng mga kabataan para sa pangangapa kung saan lumulusong sila sa burak para limasin ang mga natitira pang maliliit na isda’t hipon na naiiwan mula sa paghango ng mga may-ari ng palaisdaan.

Sumama si Mariz Umali sa pangangapa at paglusong ng mga kabataan para manguha ng maihahain sa hapag.