ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Buhay ng mga vlogger, sisilipin ng ‘Brigada’


BRIGADA
JULY 17, 2018
8 PM sa GMA News TV

VLOG

Hindi na lang paraan ngayon ang vlogging para maipahayag ang saloobin sa iyong followers online. Isa na rin itong oportunidad para kumita ng malaking halaga sa pamamagitan lang ng kung anu-anong pakulo sa harap ng camera. 

Ang maiisip na patok na gimik, maaaring maging libu-libo o milyong piso pa ang kapalit! Sinubukang mag-vlog ni Cata Tibayan kasama ang ilan sa ilang sikat na Pinoy content creators ngayon sa internet.

FLESH-EATING DISEASE

Labis na ikinabahala ng ilang inmates ang pagkamatay ng isang dating nakulong sa Manila City Jail. Bagamat wala pang opisyal na resulta ang isinagawang awtopsiya sa mga labi ng inmate na si Gerry Baluran, hinihinalang sanhi ng kanyang panghihina na tumuloy na sa kanyang pagkamatay ang pagkakaroon niya ng necrotizing fasciitis o flesh-eating disease. 

Nakitaan kasi ang kanyang katawan ng mga sugat na tila naaagnas na bago pa man siya bawian ng buhay. Inimbestigahan ni Cedric Castillo ang insidenteng ito, pati na ang kalagayan ng ilang mga kulungan sa Maynila.

Tags: plug